INFLATION RATE | Pagbagsak ng ekonomiya ngayong taon, ibinabala ng isang kongresista

Manila, Philippines – Ibinabala ni Assistant Majority Leader Michael Romero ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa kung mananatili ang mataas na inflation rate.

Ayon kay Romero, malabo na mangyari ang pagtaya ng World Bank na 6.7% Gross Domestic Product Growth ngayong taon kung mananatili sa 4% to 5% ang inflation rate.

Sa tantya ng mambabatas, maglalaro sa 1.7% hanggang 2.7% ang GDP ng bansa kung magpapatuloy ang inflation.


Kailangan aniyang maibalik ng gobyerno sa plus/minus 3.0% ang inflation target upang makamit ang mataas na GDP.

Ilan sa mga rekomendasyon ni Romero para maibaba ang inflation rate ay alisin ang ilan sa mga probisyon ng TRAIN Law, kumbinsihin ang mga bangko na itaas ang interest rates sa savings, at bawasan ang mga bayarin at padaliin ang proseso ng pagnenegosyo sa bansa upang maraming mahikayat na lokal at dayuhang mamumuhunan.

Facebook Comments