INFLATION RATE? | Pagbawi sa amnestiya ni Sen. Trillanes, panakip butas – Zarate

Manila, Philippines – Iginiit ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na inililihis ng gobyerno ang problema sa tumataas na inflation sa bansa.

Ayon kay Zarate, ginagamit ni Pangulong Duterte ang revocation sa amnesty ni Sen. Antonio Trillanes IV para pagtakpan ang problema sa tumataas na bilihin at krisis sa bigas.

Ngayong Agosto pumalo na sa 6.4% ang inflation rate sa bansa.


Bagamat magkaiba ng paniniwala pagdating sa mga isyu sa bansa ang Makabayan at si Trillanes, nakiisa naman ang grupo sa pagkundena sa ginagawang panggigipit ni Pangulong Duterte sa Senador.

Sa halip aniya na unahing solusyunan ang krisis sa bansa, inuna pa ng gobyerno ang pagpapakulong sa mga kritiko.

Hinamon din ni Zarate ang taumbayan na maging kritikal at mapanuri sa taktika ng administrasyong Duterte na kapag nagagalit na ang mamamayan ay tsaka naglalabas ng kahalintulad na mga isyu upang makalimutan ang sablay na polisiya ng administrasyon.

Facebook Comments