INFLATION RATE | Pagbuo ng taskforce na tututok sa inflation, iginiit ni Sen. Gatchalian

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian sa pamahalaan ang pagbuo ng task force na tututok sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Diin ni Gatchalian, kailangan ang task force para sa koordinasyon ng lahat ng hakbang na tutugon sa tumataas na inflation rate.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na sa ngayon ay magulo at kalat kalat sa ibat ibang ahensya ng gobyerno ang mga programa na target resolbahin ang dahilan at epekto ng inflation.


Sa ngayon ay mahigpit na iminomonitor ni Gatchalian ang galaw ng inflation sa pamamagitan ng pagsasagawa ng regular na paginig ng pinamumunuan niyang committee on economic affairs.

Facebook Comments