INFLATION RATE | Pagtaas ng presyo ng bilihin, posibleng maranasan pa hanggang 3rd quarter ng 2018

Manila, Philippines – Posibleng abutin pa hanggang ikatlong kwarter ng taon ang nararanasang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Kasunod ito ng pagpalo ng inflation rate ng bansa sa 5.2 percent nitong Hunyo na pinakamataas sa nakalipas na limang taon.

Ayon kay Prof. JC Punongbayan ng UP School of Economics, nasa 4.3 hanggang 4.5 ang inaasahang inflation ng Department of Finance (DOF) at National Economic and Develompent Authority (NEDA) para sa taong 2018.


Pero ayon kay Punongbayan, hindi na bago ang pagtaas ng inflation rate dahil simula 2016 ay nararanasan na talaga ito.

Gayunman, hindi maikakaila na malaking factor ng pagtaas ng inflation rate nitong Hunyo ang ipinatutupad na TRAIN law.

Facebook Comments