Inflation rate para sa 3rd quarter ng 2019, posibleng nasa halos 2%

Tinatayang aabot sa halos dalawang porsyento ang inflation rate pagdating ng ikatlong kwarter ng taon.

Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno – magreresulta ito ng dalawa hanggang sa apat na porsiyento ng consumer price index para sa taong ito.


Dagdag pa ni Diokno – walang dapat ipangamba sa galaw ng inflation lalo at tinitiyak ng BSP ang financial at price stability at paghihikayat ng economic expansion.

Aniya, ‘under control’ ang inflation at ‘manageable’ naman ang foreign exchange market.

Binaba rin ng BSP ang inflation forecast nito para sa 2019 sa 2.9% mula sa dating 3%.

Facebook Comments