Inflation rate, posibleng tumaas ngayong Setyembre – BSP

Posibleng tumaas muli ang inflation rate o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa ngayong Setyembre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), maaaring umabot hanggang 6.1% ang inflation rate ngayong buwan, mas mataas sa 5.3% na naitala nitong Agosto.

Nakaapekto sa inflation ang mataas na presyo ng petrolyo, kuryente at ng mga pangunahing agricultural commodities gayundin ang paghina ng piso kontra US dollar.


Pero, pwede pa rin itong mahatak pababa ng mas mababang presyo ng bigas dahil sa price ceiling na ipinatupad ng pamahalaan.

Facebook Comments