Nagbabala ang Philippine Statistics Authority (PSA) na posibleng tumaas pa ang inflation rate sa bansa sa Nobyembre.
Ayon kay PSA Chief and National Statistician Claire Dennis Mapa, ito ay dahil sa mga pinsalang dulot ng Bagyong Paeng.
Posible rin aniyang tumaas ang presyo ng mga pagkain dahil dito.
Sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA), umabot na sa P2.86 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura.
Samantala, sinabi rin ni Mapa na ang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong buwan ay magpapabilis sa inflation para sa buwan ng Nobyembre.
Facebook Comments