Inflation rate sa 4th quarter ng 2018, bumagal – BSP

Manila, Philippines – Bumagal sa 5.9 percent ang inflation rate sa bansa sa huling quarter ng 2018.

Ito ay ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sabi ni BSP Assistant Governor Francisco Dakila – resulta ito ng pagbaba ng presyo ng krudo sa world market, pagdami ng supply ng pagkain at paglakas ng piso kontra dolyar.


Kasabay nito, sisikapin umano ng bsp na mapababa pa ang quarterly inflation kasabay ng pagpapatupad sa mga bagong polisiya gaya ng inaasahang pagsasabatas ng Rice Tarrification Bill.

Matatandaang nagsara sa 5.2-percent ang inflation rate o bilis ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin sa kabuuan ng 2018.

Mas mabilis pa rin ito kumpara sa 2.9-percent inflation rate sa kabuuan ng 2017.

Facebook Comments