Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa ang inflation rate sa bansa ng 2 hanggang 4 percent sa mga susunod na buwan hanggang sa 2025 na pasok sa target ng pamahalaan.
Ngayong araw ay sinimulan na sa Senate Committee on Finance ang briefing ng Development Budget Coordination Committee kung saan tinukoy ni BSP Governor Eli Remolona na malaking tulong sa pagbaba ng inflation rate ang pagbaba sa presyo ng bigas matapos ipatupad ang Executive Order 62 o ang pagbabawas sa taripa ng mga ini-import na bigas.
Sinabi pa ng BSP na marami sa mga bangko ang “in very good shape” at “highly liquid” habang maayos din ngayon ang antas ng ating international reserves.
Aniya, ang average na international reserves ay nasa 11 billion dollars sa nakalipas na limang taon at ang reserves ngayon ay nasa 106 billion dollars at nangangahulugan na masasaklaw nito ang siyam na buwan na kabuuang halaga ng importasyon ng mga produkto at serbisyo ng bansa.
Samantala, inaasahan din ng BSP na mananatili ang presyo ng Dubai crude oil sa 65 hanggang 85 dollars per barrel at ang exchange rate ng peso ay maglalaro lamang sa P55 hanggang P58 peso kontra dolyar.