Inflation rate sa bansa, nananatiling matatag

Manila, Philippines – Nananatiling stable ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa.

Ito ay makaraang maitala sa 3.4 percent ang inflation para sa Abril.

Mas mababa ito sa inaasahang 3.5 percent na inflation forecast ng mga ekonomista dahil sa nagbabadyang pagtataas ng interest rates ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.


Matatandaang 3.4 percent din ang naitalang inflation noong Marso.

DZXL558

Facebook Comments