Posibleng pumalo sa 5.3% hanggang 6.1% ang inflation rate sa bansa ngayong Setyembre.
Ito ang pagtataya ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa gitna ng mas mataas na presyo ng gasolina, kuryente, at pangunahing mga bilihin sa agrikultura, gayundin ang pagbaba ng halaga ng piso.
Gayunpaman, ayon sa BSP, ang mas mababang presyo ng bigas at karne ay maaaring mag-ambag sa pagbaba ng pressure sa presyo ngayong buwan.
Matatandaang tumaas ang inflation rate ng bansa noong Agosto 2023 sa 5.3%.
Tiniyak naman ng central bank na tututukan nito ang mga development na nakakaapekto sa inflation, alinsunod sa data dependent approach sa monetary policy formulation.
Facebook Comments