Inflation rate sa bansa, posibleng maglaro sa 3.4% hanggang 4.2% para sa buwan ng Marso

Posibleng maglaro sa 3.4% hanggang 4.2% ang inflation rate o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa ngayong buwan Marso.

Batay sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang posibilidad na bumilis ang inflation rate ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, karne, langis at maging ng kuryente.

Maaari din itong mahatak pababa ng mababang presyo ng prutas, gulay, isda at paglakas ng halaga ng piso.


Matatandaang noong Pebrero ay tumaas sa 3.4% ang inflation rate sa bansa, mula sa naitalang 2.8% noong Enero 2024.

Facebook Comments