Kumpiyansa si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng inflation sa bansa.
Sa ginaganap na Philippine Economic briefing sa Washington D.C. sa Amerika, partikular na ipinunto ni Medalla ang positibong pagbaba ng inflation simula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon kung saan nagsibabaan na ang presyo ng mga pangunahing bilihin partikular ang sibuyas.
Sa katunayan base sa pagtaya ng BSP, posibleng pumalo na lamang sa dalawa hanggang apat na posrsiyento ang inflation sa Pilipinas pagsapit ng buwan ng Nobyembre at Disyembre.
Pangunahing sanhi umano nito ay ang pagtaas ng produksyon ng mga produktong agrikultura.
Hirit pa ni Medalla na pagsapit ng taong 2024 posibleng maglaro na lang sa tatlong porisyento ang inflation rate sa bansa.
Samantala, positibo rin ang naging komento ng iba pang international spectators sa growth story ng Pilipinas at sa pagresolba nito sa isyu ng inflation.