Posibleng pumalo pa sa 8.1% ang inflation rate o ang pagtaas ng mga bilhin at serbisyo sa bansa kung magpapatuloy pa ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ito ay inihayag ni House and Means Committee Chairperson Joey Salceda kung saan batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay maari pang lumampas sa 5.4% ang inflation rate.
Batay sa datos ng PSA, mas mataas ito ng 4.9% noong Abril at 4.1% sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa kabila nito, sinabi ni Salceda na hindi siya nababahala at maiiwasan ang posibleng pagtaas inflation rate kung tiyak ang food security sa bansa at patuloy ang tulong sa mga mahihirap na Pilipino.
Mungkahi rin ni Salceda sa administrasyong Marcos na babaan ang taripa sa mga essential goods.
Facebook Comments