Posibleng tumaas ng 2% ang inflation rate sa bansa kung maipatutupad ang panukalang ₱100 umento sa sahod ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis, tiyak na itataas lamang ng mga kompanya ang presyo ng mga serbisyo at produkto nito para mabawi ang dagdag na pasahod sa kanilang mga empleyado.
Hindi rin daw makikinabang ang 84% na manggagawa na nasa informal sector o yung walang mga employer.
Dahil dito, tataas na naman ang presyo ng bilihin at muling bibilis ang inflation rate.
Dagdag pa ni Ortiz-Luis, na karamihan ng mga negosyo sa bansa ay maliliit lamang, kung saan 9% ay micro, 8% ay small, 1% ay medium, at wala pang 1% ang malalaking negosyo.
Nasa 65% din aniya ng manggagawa ay nagtatatrabaho sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).