Muling bumilis ang galaw ng presyo ng pangunahing produkto at serbisyo nitong Hunyo.
Sa online briefing ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang inflation rate sa 2.5%.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa 2.1% noong Mayo at mas mababa naman sa 2.7 na inflation rate na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Muling bumilis ang paggastos dahil sa pagtaas ng transport index, presyo ng pagkain at mga inumin na hindi nakalalasing, tubig, kuryente at gas.
Facebook Comments