Inflation rate sa Enero, bumaba sa 3%

Bumagal sa 3 percent ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo nitong buwan ng Enero.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mas mabagal ito sa naitalang 3.6% noong December 2021.

Paliwanag ni PSA National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, ito ay dahil sa pagbagal sa galaw ng presyo ng ilang pangunahing pangangailangan tulad ng pabahay, tubig, kuryente at gasolina.


Matatandaang nagkasundo ang mga economic managers ng bansa na panatilihin sa 2 hanggang 4 percent ang target inflation rate hanggang taong 2024.

Facebook Comments