INFLATION RATE SA ILOCOS REGION NITONG AGOSTO, TUMAAS SA 2.4%

Nakitaan ng pagtaas sa inflation rate sa Region I nitong nagdaang buwan ng Agosto.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa 1.9% noong Hulyo, bumilis ito sa 2.4%.

Ilan sa mga commodity groups na may mataas na inflation ay ang mga ss:

Food and non-alcoholic beverages, Health, Transport, Information and communication.

Tatlong pangunahing commodity groups ang nakaambag sa kabuuang antas ng inflation sa rehiyon. Ito ay ang – una, ang Housing, water, electricity, gas and other fuels, ikalawa ang Restaurants and accommodation services, at ikatlo naman ang Food and non-alcoholic beverages.

Samantala, sa apat na probinsya sa Region I, pinakamataas na nakapagtala ay ang Pangasinan na nasa 4.1%, sinundan ng La Union sa 1.3%, habang ang Ilocos Sur at Ilocos Norte naman ay nakapagtala ng -0.6% at -0.3%. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments