Bumaba ang naitalang inflation rate sa Ilocos Region noong Nobyembre ngayon taon. Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region 1, mula sa 1.9% na inflation rate nitong Oktubre, bumaba ito sa 1.8% ngayong Nobyembre.
Ilan sa pangunahing salik na nagpapababa ay ang Housing, Water, Electricity, Gas and other Fuels.
Kung susumahin ang average inflation mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon, pumalo na ito sa 2% ito. Samantala, mababa na rin ang 1.8% na headline inflation ng Ilocos Region kumpara sa rate noong November 2023 na nasa 2.9%. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments