CAUAYAN CITY- Maaaring tumaas pa ang inflation rate sa lalawigan ng Isabela sa mga susunod na buwan ayon sa Philippine Statistics Authority-Isabela.
Sa isinagawang monthly inflation report para sa buwan ng Oktubre kahapon ika-19 ng Nobyembre, tumaas ang inflation rate ng lalawigan mula 0.6 percent noong Setyembre ay naging 2.4 percent ito sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Senior Statistical Specialist Engr. Marivic Garcia, bigas ang pangunahing nakapagtala ng pinakamataas na inflation rate sa lalawigan na sinundan ng kuryente, restaurants, kamatis, at karne.
Aniya, malaki ang epekto ng naranasang sunud-sunod na pananalasa ng bagyo sa lalawigan ang pagtaas ng inflation rate sa lalawigan lalo na food commodities kung saan maraming magsasaka ang apektado ng bagyo.
Gayunpaman, bagama’t malaki ang itinaas ng inflation rate sa lalawigan ay naitala naman nito ang ika-limang pwesto na pinakamababa ang inflation rate sa buong rehiyon dos.
Kaugnay nito, naitala naman ng probinsya ng Cagayan ang pinakamataas na inflation rate na may 4.0 porsyento na sinundan ng Quirino, Nueva Vizcaya, Batanes, at Isabela.