Cauayan City – Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority Isabela ng pagbaba ng inflation rate sa lalawigan ng Isabela nitong buwan ng Agosto.
Ayon sa ulat ng PSA Isabela, mula sa 3.8% noong buwan ng Hulyo ay bumaba sa 2.8% ang inflation rate sa lalawigan ng Isabela nitong buwan ng Agosto.
Isa sa may malaking ambag sa pagbaba ng inflation rate ay ang mabagal na pagtaas at pagbaba ng presyo ng Food and Non-alcoholic Beverages partikular na ang gulay, bigas, isda at iba pang seafoods kung saan mula sa 6.3% inflation rate noong Hulyo ay naging 4.3% na lamang ito noong buwan ng Agosto.
Bukod pa rito, isa rin sa dahilan ng pagbaba ng porsyento ng inflation rate ay ang pagbaba ng presyo sa transportasyon kabilang na ang presyo ng gasulina at diesel, at ang presyo ng housing, water, electricity gas and other fuels, partikular na ang presyo ng LPG kung saan mula sa 21.7% rate noong buwan ng Hulyo ay naging 19.6% na lamang ito noong buwan ng Agosto.
Ilan sa mga may malaking ambag sa pagbaba ng inflation rate sa Isabela ay ang bigas, LPG, Restaurants, Cafè at iba pa, karne ng baboy, at mga spices, culinary herbs and seeds.