Cauayan City – Mula sa 3.2% rate noong buwan ng Hunyo, tumaas sa 3.8 ang porsyento ng inflation rate sa lalawigan ng Isabela ayon sa Philippine Statistics Authority Isabela.
Sa isinagawang press conference, sinabi ni Chief Statistical Specialist Julius Emperador na isa sa pangunahing dahilan sa pagtaas nito ay ang pagtaas ng housing, water, electricity, gas and other fuels, na sinundan naman ng Food and Non-Food Beverages.
Samantala, tumaas rin 4.3% ang transportasyon dulot ng pagtaas ng presyo sa gasolina na tumaas sa 6.9% at diesel na 11.01%.
Ayon kay Ginoong Emperador, kabilang sa mga may pinakamalaking kontribusyon sa pagtaas ng inflation rate sa lalawigan noong buwan ng Hulyo ay ang Bigas, Restaurant, Cafe at iba pa, kamatis, LPG, at karne ng baboy.
Ayon sa PSA, simula noong buwan ng Enero hanggang buwan ng Hulyo ay tinatayang nasa 2.2% ang itinaas ng inflation rate sa lalawigan ng Isabela.