Bumagal ang inflation rate sa lalawigan ng La Union nitong Nobyembre, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Sa datos ng PSA, bumaba sa 0.3 porsiyento ang inflation rate mula sa 1.1 porsyento noong Oktubre.
Isa sa mga pangunahing dahilan nito ang pagbaba ng presyo ng pagkain, partikular ng mga gulay, dahil sa mas maraming ani noong Nobyembre, ayon sa Department of Agriculture Ilocos Region.
Bumaba rin ang inflation sa kuryente, gas at iba pang fuel, gayundin sa kalusugan at mga gamot, na nakatulong sa paghina ng kabuuang inflation sa lalawigan.
Samantala, sinabi naman ng Department of Trade and Industry na nanatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin, bunsod ng ipinatutupad na price freeze matapos ideklara ang state of national calamity dahil sa mga nagdaang bagyo.









