INFLATION RATE SA PANGASINAN, BUMABA

Bumaba sa 3.8% ang inflation rate sa Pangasinan nitong Setyembre mula 4.1% noong Agosto, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Pangunahing dahilan ng pagbaba ay ang mas mababang singil sa kuryente, na bumaba mula 6.5% sa Agosto tungong 3.7% sa Setyembre.

Bumaba rin ang inflation sa ilang produkto gaya ng personal care items, kasuotan, at serbisyong pangkalusugan habang may bahagyang pagtaas naman ang presyo ng pagkain, inumin, at transportasyon.

Samantala, nanatili naman sa 1.4% ang inflation rate ng karatig lalawigan ng La Union na pangunahing dahilan ang antas ng pabahay, kuryente, at edukasyon kahit pa bumaba ang presyo ng ilang pagkain tulad ng baboy, isda, at saging.

Tumaas naman ang inflation sa transportasyon at housing utilities, ngunit nanatiling kontrolado ang presyo ng pangunahing bilihin dahil sa price freeze bunsod ng epekto ng bagyong Emong.

Kaugnay nito, patuloy na nakaantabay ang tanggapan sa mga salik na nakakaapekto sa inflation ng mga sektor para sa mas komprehensibong datos kada buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments