INFLATION RATE SA PANGASINAN, BUMABA SA 2.4%

Bumaba sa 2.4 porsyento ang headline inflation rate sa Pangasinan noong Enero 2026 mula sa 3.1 porsyento noong Disyembre 2025, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority Region 1.

Mas mababa rin ito kumpara sa naitalang 2.6 porsyento noong Enero 2025. Ang average inflation rate sa lalawigan para sa 2026 ay naitala rin sa 2.4 porsyento.

Ayon sa ulat, nakitaan ng pagbaba ang presyo ng karamihan sa pangunahing bilihin kabilang ang pagkain at non-alcoholic beverages, transportasyon, kasuotan, at serbisyo sa libangan.

May bahagyang pagtaas naman sa presyo ng mga serbisyong may kinalaman sa pabahay, kuryente, tubig, alcohol, personal care, at komunikasyon.

Nanatili naman ang presyo ng mga serbisyo sa kalusugan, edukasyon, at ilang serbisyong pinansyal.

Pinakamalaking nag-ambag sa inflation sa lalawigan ang pagkain at serbisyo sa kainan, na sinundan ng pabahay at kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments