INFLATION RATE SA PANGASINAN, TUMAAS NG 0.3%

Naitala ang 0.3 % na pagtaas ng inflation rate sa lalawigan ng Pangasinan base sa ipinalabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) Regional Office 1 para sa buwan ng Agosto ngayong taon.
Ayon kay PSA RO1 Chief Statistical Specialist Juanito Yabes, mula sa 4.6 percent na inflation rate sa Pangasinan noong Hulyo ay umakyat ito sa 4.9 percent mas mababa naman sa naitalang 6.9 percent noong Agosto 2022.
Nakapagtala naman ang Pangasinan ng average inflation rate na 6.9 percent sa kasalukuyang taon at pangunahing dahilan nito ay ang mataas na year-on-year growth rate sa Food at Non Alcoholic Beverages sa naitalang 10.4 percent mula sa 6.8 percent noong buwan ng Hulyo.

Naka-apekto rin sa pagtaas ng inflation rate sa probinsya para sa buwan ng Agosto ang tumaas rin na inflation rate sa Education Services sa 5.6 percent at 0.8 percent increase sa Transport.
Maliban pa aniya sa mga nakalipas na kalamidad na tumama sa rehiyon na nakaapekto sa produksyon para naman sa sektor ng Agrikultura.
Ang inflation rate ay tumutukoy sa pagtaas ng presyo ng mga karaniwang serbisyo at produkto. |ifmnews
Facebook Comments