INFLATION REPORT SA BUWAN NG HULYO, ISINAGAWA NG PSA

CAUAYAN CITY- Tagumpay ang isinagawang Press Conference ng Philippine Statistics Authority hinggil sa June 2024 Inflation Report ng Lalawigan ng Isabela.

Ang nasabing pagpupulong ay inisyatiba at pinangasiwaan ng Philippine Statistics Authority kasama ang Department of Trade and Industry at Department of Labor and Employment.

Ayon kay Chief Statistical Specialist Julius Emperador, umakyat sa 3.2 percent and inflation rate ngayon sa lalawigan dahil sa mabilis na pagtaas ng housing, tubig, kuryente, gas, at iba pa.


Aniya, pinakamalaking kontribusyon sa inflation rate ngayong buwan ng Hulyo ay ang food and non-alcoholic beverages na kinabibilangan ng mga karne, bigas, gulay katulad ng kamatis, at iba pa habang pumapangalawa naman ang Restaurant and Accommodations Services.

Samantala, itinuturing naman na constant inflation ang education services at financial services sa lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments