Inflation sa bansa ngayon Abril bumagal – PSA

Kinumpirma ng Philippine Statistic Authority o PSA na bumagal pa ang inflation sa bansa nitong buwan ng Abril.

Ayon kay PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 6.6% ang inflation mula sa 7.6% ang inflation noong marso.

Ito na ang ikatlong buwan nang tuloy-tuloy na pagbaba ng inflation sa bansa kung saan pasok din ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 6.3 hanggang 7.1%


Paliwanag ni Mapa, bunsod ito ng mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages kabilang ang sibuyas, galunggong at manok.

Mula kasi sa 9.3 % na inflation noong Marso ay bumaba ito sa 7.9% nitong Abril.

Nakaambag din sa pagbagal ng antas ng inflation ang bumabang inflation sa diesel at gasoline.

Ikatlo pang nakaambag ay ang pagbagal sa pagtaas ng presyo ng kuryente at LPG.

Maging ang core inflation ay bumaba rin sa 7.9%

Pagdating sa National Capital Region, ay bumaba rin sa 7.1% ang headline inflation mula sa 7.8% noong Marso dahil sa mas mabagal na galaw ng presyo ng kuryente at LPG.

Facebook Comments