Bumaba ang inflation rate sa Pangasinan mula 3.8% noong Setyembre tungong 2.5% nitong Oktubre, ayon sa PSA Region 1.
Ayon kay PSA Pangasinan Specialist Ferdinand Jocutan, pangunahing dahilan nito ang mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages, lalo na ang isda at seafood na bumaba mula 3.8% tungong 1.0%.
Sinabi naman ng BFAR na nakaapekto ang magandang panahon, paglabas ng mga mangingisda, at fuel subsidy ng pamahalaan sa pagbaba ng presyo.
Bumaba rin ang presyo ng krudo, na nagbawas sa gastos ng mga mangingisda.
Malaki rin ang ibinaba ng inflation sa housing, water, electricity, gas, at iba pang fuel, mula 2.8% tungong -1.5%.
Naitala rin ang pagbaba sa personal care, alcoholic drinks and tobacco, clothing, furnishings, transport, at recreation.
Sa mga nabanggit na salik, bahagya namang tumaas ang inflation sa health, information and communication, at restaurant and accommodation services.
Samantala, patuloy namang nakabantay ang mga Pangasinense sa magiging epekto ng mga nagdaang bagyo sa paggalaw sa presyo ng mga bilihin ngayong nalalapit ang kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










