Mula 2.6 percent noong Mayo, pumalo a 3.1 porsyento noong Hunyo ang headline inflation sa probinsya ng Pangasinan, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) Pangasinan.
Base rito, bunga ito ng mas mataas na taon-taon na pagtaas sa indeks para sa Pagkain at mga inumin na lubhang nakakaapekto rin sa mga pangasinense.
Samantala, malaking porsyento ng food inflation ang bigas, kung saan ipinagtataka na ang lalawigan ay isa sa mga lugar na nagpoprodyus ng bigas ngunit mataas ang inflation dito.
Dagdag pa sa pagtaas ng inflation ang Damit at Kasuotan; Pabahay, Tubig, Kuryente, Gas; Transportasyon; Serbisyo sa Edukasyon; at Mga Restawran at Serbisyo sa Akomodasyon.
Sa Ilocos Region, nasa 2.2 porsyento naman ang headline inflation noong Hunyo, mas mababa sa 2.3 porsyento noong buwan ng Mayo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









