Posibleng mas bumagal pa ang inflation sa bansa pagpasok ng buwan ng Enero sa susunod na taon.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla, babagal sa 2% ang inflation sa susunod na taon at average sa ilalim ng mid-point ng target para sa buong taon 2024.
Kung pagbabasehan kasi, sa inflation rate na naitala halos 6.6% record noong nakaraang buwan at inaasahan na babagal pa sa buwan ng Oktubre.
Samantala, naghudyat na ang BSP ng patuloy na paghinto sa pagpapahigpit ng monetary policy ng matapos nitong panatilihing matatag ang benchmark interest rate kasabay ng sunod-sunod na pagtaas ng rate na may kabuuang 425 basis points upang lalo pang pigilan ang inflation na nararanasan sa ating bansa.
Facebook Comments