INFLATION SA PROBINSYA NG LA UNION, TUMAAS

Tumaas ang inflation rate sa La Union mula 0.8% noong Hulyo sa 1.3% nitong Agosto, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang pagtaas ay dulot umano ng mas mataas na presyo ng pagkain, produktong petrolyo, at serbisyo sa edukasyon.

Ayon kay Malvin Quinto, supervising specialist ng PSA La Union, ang pangunahing ambag sa pagtaas ay mula sa pagkain at inuming di-alcohol (43.1%), transportasyon (38.2%), at edukasyon (14.5%).

Kabilang sa mga pagkaing nagtala ng pagtaas ng presyo ay isda, kalabasa, at saging.

Tumaas din ang presyo ng diesel at gasolina. Ang inflation sa edukasyon ay umakyat sa 6.3%, kasama ang malalaking pagtaas sa antas ng primarya at sekondarya.

Bahagya ring tumaas ang presyo ng pabahay, kuryente, at tubig.

Samantala, bumaba ang presyo ng pananamit, kalusugan, libangan, at serbisyo sa kainan at akomodasyon.

Nanatili namang matatag ang presyo ng ibang produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments