Manila, Philippines – Iginagalang ng Palasyo ng Malacañang ang unsolicited advice ni dating Interior and Local and Government Secretary Mar Roxas kaugnay sa pagtugon ng Administrasyong Duterte sa inflation at sa kakulangan ng supply ng bigas.
Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, karapatan naman ni Roxas ang maghayag ng kanyang saloobin dahil umiiral naman ang demokrasya sa bansa pero alam naman ng pamahalaan ngayon ang sitwasyon sa bansa.
Binigyang diin ni Go, ngayon ay tinututukan na ng economic managers ang sitwasyon ng inflation at ginagawan na ito ng paraan.
Sinabi pa ni Go na pati si Pangulong Rodrigo Duterte ay alam ang sitwasyong ito kaya inatasan ang economic managers na bigyang solusyon ang problema.
Ilan lamang sa mga ibinabatong issue ngayon laban sa administrasyon ay ang inflation pati na ang mataas na presyo at supply ng bigas pero siniguro naman ni Pangulong Duterte na hindi natutulong ang kanyang pamahalaan at umaaksyon para ito ay maaksyunan.