Naitala ang 56% na pagtaas ng kaso ng influenza-like illnesses sa Region 1 ayon sa DOH-Center for Health Development kung saan sa Dagupan City ay may naitalang 248 na kaso at kabuuang 1, 853 naman sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa CHO, maraming mga matatanda at bata ang nagpapakonsulta ngayon dahil nakararanas ng sintomas ng trangkaso kung saan ang isa sa mga factors na kinokonsidera ay dahil sa nararanasang pabago-bagong panahon ngayon.
Bukod sa Dagupan City at lalawigan ng Pangasinan, naitala rin ng DOH-CHD1 ang kasong 3, 003 ng parehong sakit habang nakapagtala ang Ilocos Sur ng 1, 220 kaso at 510 naman sa Ilocos Norte.
Sa buong rehiyon naman ay nakapagtala ng kabuuang 6,834 na kaso ng influenza-like illnesses.
Patuloy naman sa paalala ang awtoridad na agad magpakonsulta sa mga pagamutan sakaling makaranas ng sintomas ukol sa sakit. | ifmnews
Facebook Comments