Nagpatuloy ang info drive ng DSWD na napapatungkol sa Sustainable Livelihood Program o SLP Implementation sa target nitong sampung barangay sa bayan ng Bayambang.
Kasama ang BPRAT ay nagpatuloy ang mga ito sa pag iikot para nang sa gayon ay maipaalam sa mga prospective beneficiaries ang tungkol sa panibagong implementasyon ng DSWD sa kanilang SLP.
Ilan sa mga barangay na tinungo na ng naturang ahensya ay mga barangay ng Ambayat, Apalen, at Carungay para sa kanilang information campaign.
Ayon kay DSWD SLP Implementing Project Officer Gemalyn Labarejos, nasa kabuuang halaga na higit tatlong milyon o P3.75 million ang kanilang panukalang livelihood projects at kinabibilangan ito ng proyektong bigasan, palay/mais buying, water refilling/agri supply/bigasan/canteen, at general merchandise o grocery kung saan nakalaan para sa mga barangay na kanilang target na mapamahagian. |ifmnews
Facebook Comments