Manila, Philippines – Nagtataka si Senator Francis Kiko Pangilinan kung bakit biglang naging intresado ang gobyerno na linisin ang pangalan sa international community.
Punto ni Pangilinan, dati naman ay isinasawalang-bahala ng administrasyon ang mga kritisismo sa umano ay mga kaso ng extrajudicial killing bilang resulta ng giyera kontra droga.
Pahayag ito pangilinan kaugnay sa plano ng Presidential Communications Operations Office o PCOO na magsagawa ng press freedom caravan sa Europe para ipaliwanag ang iba’t ibang usapin.
Pero katwiran ni pangilinan, hindi pa ba sapat ang mga taga-depensa ng Pangulo para salagin ang mga pananaw laban dito tulad ng pag-aresto kay Rappler CEO maria ressa.
Hinala pa ni Pangilinan, baka gusto lang nina communications Secretary Martin Andanar at ng PCOO na makatikim ng taglamig kaya biglang magdaraos ng information caravan sa Europe.
Giit ni Pangilinan, ang pera ng taumbayan na gagamitin ng PCOO ay mas makabubuting ilaan sa kapa-pakinabang na hakbang tulad ng pagtulong sa Department of Health na hikayating mapabakuna ang mas maraming bata upang mapigilan ang pagkalat ng tigdas.