Sa budget hearing sa Kamara ay tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na mabibigyan ng “rental subsidy” ang informal settler families na maaapektuhan ng North-South Commuter Railway project.
Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez, magsisimula na ang konstruksyon ng proyekto sa 2023 at dahil dito ay maraming ISFs ang na-relocate sa iba’t ibang lugar.
Sabi ni Chavez, ang rental subsidy na tatagal ng 18 buwan ay ibibigay sa pamamagitan ng ATM na naglalaman ng ₱5,000 hanggang ₱10,000.
Paliwanag ni Chavez, kwalipikado rito ang mga ISF na naghihintay pa na mailipat sa relocation sites.
Para naman sa mga hindi ISF na ang mga bahay at lupa at maaapektuhan ng proyekto ay sinabi ni Chavez na dapat bayaran ang halaga ng mga ari-arian na maaapektuhan o magigiba.
Binanggit ni Chavez na sa ilalim ng loan agreement ng gobyerno sa Asian Development Bank ay ₱63 billion ang nakalaan para sa ISF resettlement plan at mga istraktura na magigiba.