Informant ng Pamahalaan Laban sa NPA, Isa sa Nakikitang Motibo sa Pagpaslang kay Father Ventura!

Cauayan City, Isabela – Isa sa nakikita ngayon ng kapulisan ng Cagayan na motibo ng pagpaslang kay Father Mark Anthony Ventura ay isa syang informant ng pamahalaan laban sa New Peoples Army o NPA.

Sa pinakahuling panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Superintendent Warren Tolito, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, maaring grupo umano ng NPA ang pumaslang sa pari at sa kasalukuyan ay patuloy parin itong kinukumpirma.

Isa pa umano sa tinitingnan ngayon ang  posibleng maging motibo sa pamamaslang ay may kinalaman sa  adbokasiya ng pari laban sa Illegal Logging, Illegal Mining ng black and sand sa  Cagayan, at ang panawagan sa maayos at malinis na eleksyon.


Bumuo na rin ng Task Force ang PNP Cagayan para sa agarang pagkakaresolba ng pagpatay sa pari kung saan isa na dito ang ginagawang cartographic sketch ng dalawang lalaki mula sa mga nakasaksi ng pangyayari.

Kaugnay nito kinundena  ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines  o CBCP ang tinaguriang asasinasyon sa pari at nanawagan naman ng katarungan ang  religious organizations, mga pari, kaibigan at supporters sa pagkamatay ni father Mark Ventura.

Matatandaan na pinagbabaril si Ventura sa ulo at balikat ng riding in tandem kahapon sa Barangay Pena Weste ,Gattaran, Cagayan habang kinakausap ang  ilan sa kanyang choir at mga magulang ng mga batang magpapabinyag sana pagkatapos ng misa.

Facebook Comments