Bicol, Philippines – Kinakailangang ipaalam muna at bigyang paliwanag ang lahat ng motorista sa buong Bicol region patungkol sa pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Law.
Ito ay dahil aniya hindi pa rin naiintindihan sa ngayon ng mga motorista ang Anti-Distracted Driving Act na naglalayong bigyang-proteksyon ang mga pasahero at motorista mula sa mga aksidente na nangyayari dulot ng paggamit ng cellphone.
Dahil dito, nagsanib-puwersa ang Land Transportation Office o LTO gayundin ang PNP para magbigay muna ng information and awareness program bago magpatupad ng pagmumulta sa mga hindi tutupad dito.
DZXL558
Facebook Comments