Information campaign ng NTC sa SIM registration, umabot na rin sa mga senior citizens

Nagpapatuloy ang assistance at information campaign ng National Telecommunications Commission (NTC) upang ma-educate at mahikayar ang mga subscriber naniparehistro ang kanilang mga SIM at umabot na ito sa senior citizens na mga residente ng Barangay Tugatog sa Malabon City.

Sa event na naka-live stream sa Facebook na tinawag na “Kuwentuhan sa Simbahan” iprinisinta ang mahahalagang features ng Republic Act No. 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act sa harap ng senior citizens mula sa lungsod ng Malabon at Caloocan.

Sinagot sa naturang aktibidad ang iba’t ibang tanong at concerns ng mga senior citizen tungkol sa Data Privacy at ang proseso ng pagrerehistro ng SIM.


Tiniyak din ng NTC sa mga dumalong nakatatanda na ang kanilang personal information ay protektado ng SIM Registration Law.

Ang naturang event ay inorganisa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV.

Ayon sa NTC hanggang noong Mar. 9 ay mayroon nang 42.7 million successful SIM registrations na kumakatawan sa 25.24% ng kabuuang 168 million active SIM subscribers.

Facebook Comments