Information Campaign para sa COVID-19 vaccines, ilulunsad ng gobyerno

Maglulunsad ang Malacañang ng information campaign sa iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccines para maitatag ang tiwala ng publiko sa vaccination program.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos maharap sa kontrobersiya ang gobyerno dahil sa tila pinapaboran nito ang Sinovac vaccine ng China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tatalakayin sa publiko ang iba pang COVID-19 vaccines gaya ng Pfizer BioNTech, AstraZeneca at Moderna.


Pero sinabi ni Roque na malaya ang publiko na pumili ng bakuna pero ipinaalala rin niya ang banta ng bagong variant ng virus.

Hindi kailangang pagdudahan ng publiko ang Chinese vaccine lalo na at maramingh bansa na ang gumagamit nito.

Matatandaang dinipensahan ni Pangulong Duterte ang Sinovac at iginiit na hindi pipilitin ng pamahalaan ang mga tao na magpabakuna.

Facebook Comments