INFORMATION CAMPAIGN | Plebisito para sa BOL pinaghahandaan ng AFP

Manila, Philippines – Magsasagawa ang Armed Forces of the Philippine (AFP) ng information campaign para sa plebisito na idaraos sa Mindanao sa Nobyembre kapag napirmahan na ng Pangulo ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay 6th Infantry Division Commander Maj. Gen Cirilito Sobejana, sa kasalukuyan ay pinag-uusapam nila ang information dissemination para maipalam sa mga taga-Mindanao ang mga probisyon ng batas.

Importante aniya na malinaw sa lahat ang nilalaman BOL bago ito pagbotohan ng mga taga-Mindanao sa isang plebisito.


Wala aniyang pinagkaiba ito sa ginawa ng AFP bago magpatupad ng Martial Law sa Mindanao kung saan nagkaroon muna ng malawakang konsultasyon sa iba’t-ibang sektor bago ito ipinatupad.

Ang BOL ay nakatakda nang pirmahan ng Pangulo matapos itong ma-ratipika ng Kongreso.

Facebook Comments