Information campaign sa PUV/PUJ modernization program, hiniling

Manila, Philippines – Hinimok ni Bagong-Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang publiko na magkaroon ng information at education campaign tungkol sa PUJ Modernization Program.

Ayon kay Herrera-Dy, hindi masisisi kung bakit madalas ang pagsasagawa ng transport strike ng mga jeepney drivers at operators sa pagtutol sa modernisasyon ng mga jeepneys dahil sa kawalan ng impormasyon na hindi lahat ng jeepneys ay aalisin.

Hindi rin aniya `aware` o walang alam ang publiko na ang phase-out ng mga jeepneys ay mga old-units lamang dahilan kaya nagkakaroon ng matinding debate sa modernization program.


Giit ni Herrera-Dy, bahagi ng budget dapat sa PUJ Modernization Program ay ang epektibong multimedia campaign para maunawaan ng lahat na ang phase-out ng mga jeepneys ay ipapatupad lamang sa mga old-units.

Dapat maging malinaw din na hindi mawawala ang jeepney bilang iconic Filipino symbol at panghanap-buhay ng mga Pilipino.

Upang makatulong sa pagbawas ng traffic, hinikayat din ng lady solon ang mga jeepney drivers at operators na bumyahe sa mga lugar na walang gaanong jeepneys tulad sa mga housing o residential sites para hindi naiipon sa iisang lugar ang jeep na nagiging sanhi din ng traffic.

Facebook Comments