Information Dissemination Campaign ng PNP, mas paiigtingin

Manila, Philippines – Mas paiigtingin ng Phil. National Police ang kanilang Information Dissemination Campaign kaugnay sa kanilang ikinakasang war on drugs.

Ito ay matapos ang naging resulta ng latest survey ng Social Weather Station na sinasabing kalahati sa mga Pilipino ay naniniwalang hindi lahat ng napatay ng mga pulis sa kanilang operasyon kontra iligal na droga ay nanlaban.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos mas dapat na nabibigyan ng impormasyon ang publiko na may pinagbatayang imbestigayson at tamang datos.


Naniniwala ang opisyal na ang ginawang tanong para sa mga respondents ay ibinatay lamang sa persepsyon at hindi sa tamang datos o idinaan sa imbestigasyon.

Sinabi pa ni Carlos mas importante pa rin na nabibigyan ng tamang impormasyon ang publiko kaugnay sa kanilang ikinakasang war on drugs.

Upang sa huli ayon sa opisyal ay ang publiko na ang huhusga kung hindi nanlaban o nanlaban ang mga napatay sa war on drugs ng PNP.

Facebook Comments