INFORMATION DISSEMINATION, PINALAKAS SA LGU INFOSUMMIT SA SAN CARLOS

Pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ng San Carlos ang information dissemination sa pamamagitan ng nalalapit na LGU InfoSummit 2025, kung saan inanyayahan ang lahat ng organizations, associations, volunteer groups at mga indibidwal na nagnanais makibahagi.

Layon ng aktibidad na paigtingin ang kaalaman at kakayahan ng mga katuwang na sektor upang mas maging maayos at epektibo ang pagpaparating ng mahahalagang impormasyon at mga kaganapan sa lungsod.

Bahagi rin nito ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang organisasyon upang mas maging sistematiko ang daloy ng komunikasyon.

Bukas ang InfoSummit sa mga residente ng San Carlos City, ngunit limitado lamang sa isang kinatawan bawat organisasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments