INFORMATION DRIVE KAUGNAY NG INTERNATIONAL DAY FOR THE ELIMINATION OF VIOLENCE AGAINST WOMEN, ISINAGAWA SA SAN CARLOS CITY

Nagsagawa ng dialogue at pamamahagi ng flyers sa mga kliyente ng istasyon ang San Carlos City Police bilang pakikiisa sa paggunita sa International Day for the Elimination of Violence Against Women.

Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng kampanya ng pulisya upang palawakin ang kamalayan ng publiko hinggil sa mga isyu ng karahasan laban sa kababaihan at upang hikayatin ang komunidad na makibahagi sa mga hakbang upang wakasan ang ganitong uri ng pang-aabuso.

Sa ginanap na talakayan, ipinaliwanag ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga batas na may kinalaman sa proteksyon ng mamamayan, kabilang ang Human Rights-Based Policing, Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, at Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Binigyang-diin ang kaalaman sa mga batas na ito ay mahalaga upang maging mas ligtas at mas maalam ang bawat indibidwal sa kanilang komunidad.

Paalala rin sa mga mamamayan na manatiling mapagmatyag, observant, at handa sa anumang sitwasyong maaaring magbunga ng krimen, at agad na ipagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ang anumang insidenteng nagaganap sa kanilang Area of Responsibility.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng PNP upang mapalakas ang ugnayan sa publiko at matiyak na nananatiling ligtas at protektado ang komunidad.

Facebook Comments