Information drive ng mga LGU para sa COVID-19 vaccination dapat paigtingin – DILG

52

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Unit (LGU) na palakasin ang information drive para makunbinsi ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.

Aminado si Interior Spokesperson Jonathan Malaya na malaking hamon sa inoculation drive ay ang mababang deman mula sa mga residente.


Tingin ni Malaya, resulta ito ng mga hindi beripikado at negatibong impormasyon tungkol sa bakuna na kumakalat social media.

Dapat ipaalam sa publiko na ang lahat ng bakunang aaprubahan ng pamahalaan ay dumaan sa tamang proseso.

Bukod dito, bubusisiin din ang bakuna ng panels of experts bago aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments