INFORMATION DRIVE PARA SA MGA PDL, PINAIGTING NG BJMP URDANETA AT IFM DAGUPAN

Pinaigting ng BJMP Urdaneta District Jail–Male Dormitory at RMN Network News–IFM Dagupan ang information drive para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement noong Biyernes, Nobyembre 28, sa Urdaneta City.

Layunin ng inisyatibo na maghatid ng impormasyon hinggil sa mga PDL at maipakita ang mga programang tumutulong sa kanilang rehabilitasyon at muling pagharap sa komunidad.

Sa ilalim ng kasunduan, pagtitibayin ang mga programa para sa pag-unlad, rehabilitasyon, at reintegrasyon ng mga PDL.

Kabilang dito ang partisipasyon ng BJMP sa programang IFM At Your Service na gaganapin tuwing unang Sabado ng bawat buwan.

Nakatakda ring simulan ang pagbuo at konsultasyon para sa isasagawang programa sa mga susunod na linggo, katuwang ang BJMP.

Facebook Comments