Information drive sa enrollment, dapat paigtingin pa ng DepEd

Pinapaigting pa ni Deputy Majority Leader Bernadette Herrera sa Department of Education (DepEd) ang kanilang information drive patungkol sa enrollment ngayong pasukan.

Inanunsyo ng DepEd na tatanggap pa rin sila ng late-enrollees hanggang sa katapusan ng Setyembre.

Pero ayon kay Herrera, sa kabila ng anunsyo ng ahensya na palawigin ang petsa ng enrollment ay aabot sa 7 milyong mga estudyante sa elementary at high school ang hindi nakapag-enroll para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.


Sinabi ng kongresista na ang numerong ito ay doble sa 3.6 milyon na out-of-school-children and youth na naitala noong 2017.

Giit ni Herrera, dapat na paigtingin at palakasin ng DepEd ang kanilang enrollment information drive upang mabawi at mapababa ang nakaambang na milyung-milyong mag-aaral na hindi makakapasok ngayong School Year 2020-2021.

Dagdag ng lady solon, bagama’t naiintindihan niya na matindi ang epekto ng pandemya sa edukasyon ng mga kabataan ay hindi naman ito sapat na dahilan para pabayaan ng DepEd na maraming mga estudyante ang hindi makakapag-aral ngayong taon.

Facebook Comments