Information drive ukol sa COVID-19 vaccination program, dapat paigtingin

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na paigtingin pa ang information campaign hinggil sa COVID-19 vaccination program.

Hanggang ngayon kasi aniya ay nananatiling mababa ang kumpiyansa ng publiko sa mga bakuna.

Giit ng BisePpresidente, kahit dumating na ang mga bakuna pero wala pa ring tiwala ang mga tao rito, hindi pa rin maaabot ng bansa ang ‘herd immunity’.


“Mababang-mababa pa rin yung confidence level ng tao tungkol sa vaccines. Tingin ko nagkukulang tayo sa pag-communicate… E nakakatakot ito kasi kung 47% yung ayaw, paano natin maa-achieve [herd mimmunity]?” ani Robredo sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila.

“Para sa akin, dapat seryosohin yung kampanya para kumbinsihin yung mga tao,” dagdag pa niya.

Mas mainam din aniya kung pangungunahan ng mga health expert ang pangungumbinsi sa mga taong ligtas ang bakuna.

“Dapat health experts yung nag-aasure para kampante yung mga tao. Yung mga nakakaintindi dapat sila yung naririnig. Sila dapat yung hikayatin na to go out in public para i-assure yung tao na safe ito,” saad niya.

Facebook Comments